Lunes, Hulyo 16, 2012

PAALAM KAHAPON ni Romulo Ranin

          
          Bawat tao na nabubuhay sa mundo ay dumadaan sa pagkabata.
          Kapag ikaw ay isinilang at lumaki sa isang pamilya, mararanasan mo ang mga bagay na kamangha-mangha. Tulad na lang ng pag-aalaga saiyo ng iyong mga magulang, paglalaro ng iba't ibang klase ng laruan, paglalaro ng iba't ibang laro at paglalaro sa iba't ibang uri ng tao. 
          Ang lahat ng ito ay bahagi na lamang ng kahapon kapag ikaw ay lumaki na. Kailangan mong ibigay at isuko ang lahat ng masasayang bagay na iyan. Sa iyong paglaki ay iba na ang mundong iyong gagalawan at iba na iyong mga kakagawian. Minsan, masasabi mo na masarap maging bata dahil wala kang iniisip kundi maglibang, maglaro at magsaya lamang. Hindi katulad ng kapag ikaw ay malaki na. Kailangan mo nang gampanan ang iyong karakter bilang mamamayan at bilang isang tao.
          Masarap talagang maging bata pero hindi ka naman magiging bata habang-buhay. Kung kaya, kailangan nating sulitin at lasapin ang buhay-bata dahil kapag ikaw ay malaki na, hindi mo na ito pwedeng balikan pa. Pwede mo na lang itong balika sa iyong alaala. 

4 (na) komento: