Huwebes, Hulyo 19, 2012

BAKIT KAYA? Ni Joseph delos Santos



                May mga bagay na sadyang di natin inaasahang mangyari sa ating buhay. Bagamat lahat ay ating ginagawa para makamit ang bawat kaganapan ng isang indibidwal. Sa buhay natin, ating taglay ang damdamin ng kalungkutan. Bakit?
                Minsan ay darating sa ating buhay ang masakit na karanasan. Karanasang tatatak sa ating isipan at sadyang hindi makakalimutan.
                Sobrang sakit na iwan n gating minamahal sa buhay. Minsan ay nakakagawa ka ng mga bagay na hindi magaganda. Kapag iniwan ka ng minamahal mo, may mga pagkakataon na sinisisi mo ang iyong sarili.
                Bata pa ako ng iwan ng aking mga magulang. Iniwan nila ako sa piling ng aking lola. Bata pa man ako noon ay ramdam ko na ang dalamhati at kalungkutan. Ito ay dahil sa mahal ko sila. Nang mga oras na iyon ay hindi ko inisip na nag-iisa ako. Dahil naniniwala ako na babalik sila at muli nila akong aalagaan. Ngayong malaki na ako, minsan ay naiiisip ko kug bakit kaya nagagawa ng mga magulang ang iwan ang kanilang anak na dapat ay ituring nilang kayamanang di matutumbasan.
                Napakadilim sa kapaligiran ang iwan ng minamahal sa buhay. Halos lahat ng katanungan kung bakit ka nila iniwan ay tila hindi mo masagot. Pakiramdam mo ay nag-iisa ka. Wala kang karamay na kaht bata ka pa ay maaari mo na itong maramdaman.
                Subalit iniwan man ako ng aking mga magulang ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Pag-asa na nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Dahil alam ko na ang problemang iyon ay isang pagsubok lamang na magbibigay sa akin ng karanasan mula sa ating minamahal na panginoon. Sa mga panahon na iyon ay hindi ko nakalimutan ang magdasal. Kaya ngayong buo na muli ang aking pamilya.
                Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang katanungan ko sa aking sarili. Bakit kaya? Bakit kaya minsan ay iniiwan tayo ng mga mhalaga sa atin. Ito ba talaga ay dapat tahakin ng bawat tao na nabubuhay sa mundo? Ito ba ay dapat na maranasan natin? Dapat ba nating asahan ito habang bata pa tayo?
                Ito ay natural. Natural na dapat na nating tanggapin na baling araw ay iwan tayo ng mga taong mahahalaga sa atin at darating ang araw na tayo ay mang-iiwan din.
                Bawat tao ay magpapaalam sa mundong ibabaw?

8 komento:

  1. Alam mo joseph.. Ramdam ko yang nararamdaman mo.. oo nga wala ako sa pwesto mo pero napagdadaanan ko yang mga naranasan mo.. Totoo na masakit sa damdamin na iwan ka ng taong inaasahan mo na mag-aalaga sayo.. Ngunit hindi naman lahat ng magulang ay ganon ang ginagawa.. Meron ding magulang na mas inuuna pa nila ang kanilang anak kesa kanilang trabaho.. Ngunit sa iyong kaso ay kinakailangan nilang mag trabaho upang matugunan ung pangangailangan mo..

    TumugonBurahin
  2. nakakatouch naman ito, subrang hirap pala ng napagdaanan mo. maging matatag ka lang po at magpray. dito lang po kami mga friends mo ...

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. thank you sa lahat, sa mga advice nyo.
    di lng pala aral ang makukuha dito,pati saloobin ng iba.
    Kaya ang mga ganyang bagay hindi dPAt pinuproblema, isipin nyo nalang pagsubok lang yan galing kay GOD, para malaman mo kung hanggang saan ang kaya mo.

    TumugonBurahin
  5. buti hindi ko naranasan yan. ang hirap siguro. salamat at buo ang pamilya ko.

    TumugonBurahin