Tuwing sumasapit ang araw na iyon, ako ay nagagalak at nasasabik. Sa pagdaan ng mga taon, nananatili pa rin ang aking tanging hiling.
Sinasabi nila noong bata ako na kapag kaarawan daw ng isang bata, lahat ng kanyang hilingin ay matutupad. Dati ay mga materyal na bagay ang lagi kong nais. Subalit dumadaan ang panahon at lumilipas ang mga araw, nadadagdagan ang aking kaalaman na hindi pala mahalaga ang mga bagay na ito.
Ngayong ganap na akong malaki at sapat na ang kaalaman, napagtanto ko na mayroon pala akong isang hiling. Tuwing sasapit ang aking kaarawan ay hindi ako nagpapahanda ng marami sapagkat dagdag gastos lamang ito.
Sa halip, sama-sama na lang kaming nagsasalu-salo at ipinapanalangin ako na may kaarawan. Ako naman sa aking sarili ay may natatanging hiling na sana bigyan pa ako ng mahabang buhay at lakas upang matulungan ko pa ang aking pamilya at patnubayan ako ng Ama sa aking araw-araw na pamumuhay. Maging ang aking mga magulang ay pagkalooban pa ng mahabang buhay at lakas at magkasa-kasama pa kami ng matagal.
Iyon ang tanging hiling ko sa Diyos, ngayon at sa mga susunod pang mga kaarawan.
Angel bat nahihiya ka kanina nung sinabi ko napili ko ang output mo. Dapat maging proud ka di ba
TumugonBurahinMaganda naman ung pagkakagawa mo angel eh.. bakit ka naman nahihiya?
TumugonBurahinYan na nga ung pinakamagandang hiling sa lahat eh.. Ung Simpleng hiling pero makahulugan.. Hindi man materyal pero kapakipakinabang..
tama
TumugonBurahin