Huwebes, Hulyo 19, 2012

BAKIT AKO NILISAN? ni Honey Mae Sanchez


  Lahat naman tayo ay nakaranas ng pagkawala ng ating mahal sa buhay. Ang iba'y nilisan, may dahilan man o wala. Ang iba nama'y namatayan.
          Ang aking isasalaysay ay tungkol sa isang babaeng umibig, nagtiwala at sa huli ay nasaktan ng lubusan. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ako.
          Sa edad kong ito, labing anim na taong-gulang, marami na akong naging kasintahan. Sa lahat ng mga iyon, isang lalaki ang tuluyang bumihag sa aking isipan. Kahit na wala na kami ngayon ay sya pa rin ang itinitibok ng aking puso.
          Hunyo 23, araw ng Sabado, magkatext kami ng isang lalaki. Sa totoo lang, siya yung taong gusto ko. Sa minu-minuto naming pagtetext, nagkapalagayan kami ng loob. Niligawan niya ako at agad ko siyang sinagot. Sa totoo lang in, wala kaming pormal na ligawan dahil nga siya ay gusto ko rin naman.
          Sineryoso ko siya. Di ko nga lang alam kung ganun di siya sa akin. Alam ko sa sarili kong minahal ko sya ng higit pa sa aking buhay. 
          Hunyo 25, araw ng Lunes, nagkita kami sa eskwelahan. Sinabi niya sa akin na hindi niya daw ako niloloko at seryoso daw siya sa akin.
          Masaya ako dahil nag-aalala siya para sa akin. Pero, isang araw ay may gumimbal sa aking masayang mundo. 
          Hunyo 29, araw ng Biyernes, bigla niya akong tinext. At di ako makapaniwala sa sinabi niya. Makikipaghiwalay siya sa akin sa kadahilanang lagi raw akong sumasama sa isang lalaki. Sa totoo lang, natatakot ako na baka tiluyan siyang mawala sa akin. Sabi niya na pag nagbago na ako, handa na daw ulit siyang tanggapin ako. Dahil sa mahal ko siya, pinalaya ko siya at handa akong magbago para sa kanya.
        Isang araw ay tinext niya muli ako. Muli akong naging masaya dahil nagtext siya. Ngunit pagbukas ko'y isang nakakagimbal na mensahe ang aking natangggap. Puro sumbat ang nabasa ko. Puro mga kasinungalingan ang mga iyon. Sinabi niya na bukod sa kanya ay may iba pa daw ako. Nainis ako, umiyak dahil naniwala siya sa sinabi ng iba. Di niya ako pinagkatiwalaan. Di niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Hindi niya alam ang tunay bna pangyayari.
          Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay madalang na kami mag-usap. Mahal ko siya pero kailangan ko na talaga siyang pakawalan. Makakalimutan ko rin siya at makakawala rin ako sa sakit na nararamdaman ko.

8 komento:

  1. Labis akong nalugod sa iyong isinalaysay na ito mismo ay hango sa inyong karanasan.. May payo lamang ako sa iyo na sana ay huwag mong damdamin at malugod mong tanggapin ito.. Para sa akin.. sa edad mong 16 ay hindi mo naman dapat kailangan ng maraming BF eh.. atsaka dapat hindi ka agad agad na pumapayag sa ginugusto nya na maging kayo.. Dapat mas kinikilala mo muna sya nang lubusan upang malaman mo kung totoo nga ba ung nararamdaman nya sa iyo.. Mas mainam kasi na kilalanin mo muna sya bago mo sya sagutin..

    TumugonBurahin
  2. Mahirap na talaga ang ngayon ang makahanap ng lalaking tulad namin, diba abner? joke!! advice ko lang sayo, study first, sa mga makakabasa naman nito naging aral sana ito.

    TumugonBurahin
  3. di masama ang magmahal. kailangan lamang na huwag gaano seryosohin lalo sa edad nyo. petty pa lang yan

    TumugonBurahin