Biyernes, Hulyo 20, 2012

GAWAING ONLINE ALL THE WAY FROM MOA.Hehe

PANUTO: MAGPOST NG ISA LAMANG NA PINAKAMAHABANG SALITA SA FILIPINO NA WALANG PANLAPI. TAKE NOTE: WALANG PANLAPI ISA LAMANG. MAG-ISIP-ISIP. READY ONE TWO THREE GO!!!!
(SARAP TALAGA SA MOA GUMALA. NAKAKAPAGOD. PERO DAMI WI-FI. ALLL FREE) AKO NA!!!! WITH MY FAMILY HERE

Huwebes, Hulyo 19, 2012

BAKIT AKO NILISAN? ni Honey Mae Sanchez


  Lahat naman tayo ay nakaranas ng pagkawala ng ating mahal sa buhay. Ang iba'y nilisan, may dahilan man o wala. Ang iba nama'y namatayan.
          Ang aking isasalaysay ay tungkol sa isang babaeng umibig, nagtiwala at sa huli ay nasaktan ng lubusan. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ako.
          Sa edad kong ito, labing anim na taong-gulang, marami na akong naging kasintahan. Sa lahat ng mga iyon, isang lalaki ang tuluyang bumihag sa aking isipan. Kahit na wala na kami ngayon ay sya pa rin ang itinitibok ng aking puso.
          Hunyo 23, araw ng Sabado, magkatext kami ng isang lalaki. Sa totoo lang, siya yung taong gusto ko. Sa minu-minuto naming pagtetext, nagkapalagayan kami ng loob. Niligawan niya ako at agad ko siyang sinagot. Sa totoo lang in, wala kaming pormal na ligawan dahil nga siya ay gusto ko rin naman.
          Sineryoso ko siya. Di ko nga lang alam kung ganun di siya sa akin. Alam ko sa sarili kong minahal ko sya ng higit pa sa aking buhay. 
          Hunyo 25, araw ng Lunes, nagkita kami sa eskwelahan. Sinabi niya sa akin na hindi niya daw ako niloloko at seryoso daw siya sa akin.
          Masaya ako dahil nag-aalala siya para sa akin. Pero, isang araw ay may gumimbal sa aking masayang mundo. 
          Hunyo 29, araw ng Biyernes, bigla niya akong tinext. At di ako makapaniwala sa sinabi niya. Makikipaghiwalay siya sa akin sa kadahilanang lagi raw akong sumasama sa isang lalaki. Sa totoo lang, natatakot ako na baka tiluyan siyang mawala sa akin. Sabi niya na pag nagbago na ako, handa na daw ulit siyang tanggapin ako. Dahil sa mahal ko siya, pinalaya ko siya at handa akong magbago para sa kanya.
        Isang araw ay tinext niya muli ako. Muli akong naging masaya dahil nagtext siya. Ngunit pagbukas ko'y isang nakakagimbal na mensahe ang aking natangggap. Puro sumbat ang nabasa ko. Puro mga kasinungalingan ang mga iyon. Sinabi niya na bukod sa kanya ay may iba pa daw ako. Nainis ako, umiyak dahil naniwala siya sa sinabi ng iba. Di niya ako pinagkatiwalaan. Di niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Hindi niya alam ang tunay bna pangyayari.
          Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay madalang na kami mag-usap. Mahal ko siya pero kailangan ko na talaga siyang pakawalan. Makakalimutan ko rin siya at makakawala rin ako sa sakit na nararamdaman ko.

BAKIT KAYA? Ni Joseph delos Santos



                May mga bagay na sadyang di natin inaasahang mangyari sa ating buhay. Bagamat lahat ay ating ginagawa para makamit ang bawat kaganapan ng isang indibidwal. Sa buhay natin, ating taglay ang damdamin ng kalungkutan. Bakit?
                Minsan ay darating sa ating buhay ang masakit na karanasan. Karanasang tatatak sa ating isipan at sadyang hindi makakalimutan.
                Sobrang sakit na iwan n gating minamahal sa buhay. Minsan ay nakakagawa ka ng mga bagay na hindi magaganda. Kapag iniwan ka ng minamahal mo, may mga pagkakataon na sinisisi mo ang iyong sarili.
                Bata pa ako ng iwan ng aking mga magulang. Iniwan nila ako sa piling ng aking lola. Bata pa man ako noon ay ramdam ko na ang dalamhati at kalungkutan. Ito ay dahil sa mahal ko sila. Nang mga oras na iyon ay hindi ko inisip na nag-iisa ako. Dahil naniniwala ako na babalik sila at muli nila akong aalagaan. Ngayong malaki na ako, minsan ay naiiisip ko kug bakit kaya nagagawa ng mga magulang ang iwan ang kanilang anak na dapat ay ituring nilang kayamanang di matutumbasan.
                Napakadilim sa kapaligiran ang iwan ng minamahal sa buhay. Halos lahat ng katanungan kung bakit ka nila iniwan ay tila hindi mo masagot. Pakiramdam mo ay nag-iisa ka. Wala kang karamay na kaht bata ka pa ay maaari mo na itong maramdaman.
                Subalit iniwan man ako ng aking mga magulang ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Pag-asa na nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Dahil alam ko na ang problemang iyon ay isang pagsubok lamang na magbibigay sa akin ng karanasan mula sa ating minamahal na panginoon. Sa mga panahon na iyon ay hindi ko nakalimutan ang magdasal. Kaya ngayong buo na muli ang aking pamilya.
                Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang katanungan ko sa aking sarili. Bakit kaya? Bakit kaya minsan ay iniiwan tayo ng mga mhalaga sa atin. Ito ba talaga ay dapat tahakin ng bawat tao na nabubuhay sa mundo? Ito ba ay dapat na maranasan natin? Dapat ba nating asahan ito habang bata pa tayo?
                Ito ay natural. Natural na dapat na nating tanggapin na baling araw ay iwan tayo ng mga taong mahahalaga sa atin at darating ang araw na tayo ay mang-iiwan din.
                Bawat tao ay magpapaalam sa mundong ibabaw?

Awtput 1 Top 5







Miyerkules, Hulyo 18, 2012

GAWAING ONLAYN

1. SINO SI HUSENG BATUTE?
2. SINO SI HUSENG SISIW?

ISULAT ANG SAGOT SA KOMENTO AT IPOST. KUNG MAY NAGPOST NA NG KATULAD NA SAGOT, MAGKOMENTO NA LANG NG "SAYANG" O KUNG ANUMANG KOMENTO. HEHE

Martes, Hulyo 17, 2012

PANTAY-PANTAY NA TINGIN MERON PA BA? ni Honey Mae Sanchez

Ang tao dito sa mundo 
ay nagkakaiba ng estado
mayaman at mahirap
iyan ang laganap


Pantay ba ang tingin sa kanila?
o sadya lang talagang walang pakialam ang iba
dahil ang mundong ito ay puno ng paghuhusga
at puro pangdudusta


Magkaiba ang katayuan sa buhay
ang isa ay madumi ang kamay
puro trabaho para lang di mamatay
magtagumpay lang sa buhay


Maginhawa ang buhay ng isa
lahat ng bagay nakukuha na lang basta
marami ng pera sa kanyang bulsa
di man mamahagi sa iba


Pagkakapantay-pantay, ito ang tanging hiling
mga mahihirap sana'y makaahon din
tulungan ng iba para magtagumpay
ang lahat ay guminhawa ang buhay

Lunes, Hulyo 16, 2012

PAREHAS LANG NAMAN ni Jestoni Bontoyan

WALANG MAHIRAP WALANG MAYAMAN
PAREHAS LANG TAYONG MAY KARAPATAN
IISA LANG ANG ATING PINAGMULAN
KAYA HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN

BAKIT ANG IBA'Y MINAMALIIT ANG MAHIHIRAP
MERON DIN NAMAN SILANG MGA PANGARAP
KAHIT YUNG IBA AY HINDI NAG-AARAL
PERO LAHAT SILA AY MAGAGANDA ANG ASAL


LAHAT NAMAN TAYO'Y GINAGAWA ANG TAMA
PERO SILA'Y NAGSASABI NG MASASAKIT NA SALITA
KAHIT GANYAN SILA'Y MERON DING LAYUNIN
KAYA ANG MAHIHIRAP WAG NATING ABUSUHIN

LAHAT NAMAN TAYO'Y GINAWA NG PANGINOON
KAYA KAHIT MAHIRAP MERON DING PAGKAKATAON
ANG IPAGPATULOY ANG ATING AMBISYON
UPANG SA KAHIRAPAN MERON KANG SOLUSYON.

MAYAMAN NA WALANG LANGIT MAHIRAP NG LUMAPIT ni Reniel Manalo

Mayaman?
na walang pakundangan!
Mga mamamayan ng sariling bayan
Mahirap na naghihirap
Mayaman na yumayaman

Sa halip na huwaran
ng mga mamamayan
Naghaharing kasamaan
ang pilit na isinasalansan

Mahirap ng lumapit
sa mayamang walang langit
Lalo na ang taong gipit 
Maging sa patalim ay kumakapit

Lahat ng tao'y pantay-pantay
Kaya't tayo'y magpugay
sa Diyos na lumikha
ng mayaman o dukha

ANG TANGING HILING ni Angel Pauline Tanedo

          Tuwing sumasapit ang araw na iyon, ako ay nagagalak at nasasabik. Sa pagdaan ng mga taon, nananatili pa rin ang aking tanging hiling.
          Sinasabi nila noong bata ako na kapag kaarawan daw ng isang bata, lahat ng kanyang hilingin ay matutupad. Dati ay mga materyal na bagay ang lagi kong nais. Subalit dumadaan ang panahon at lumilipas ang mga araw, nadadagdagan ang aking kaalaman na hindi pala mahalaga ang mga bagay na ito.
          Ngayong ganap na akong malaki at sapat na ang kaalaman, napagtanto ko na mayroon pala akong isang hiling. Tuwing sasapit ang aking kaarawan ay hindi ako nagpapahanda ng marami sapagkat dagdag gastos lamang ito.
          Sa halip, sama-sama na lang kaming nagsasalu-salo at ipinapanalangin ako na may kaarawan. Ako naman sa aking sarili ay may natatanging hiling na sana bigyan pa ako ng mahabang buhay at lakas upang matulungan ko pa ang aking pamilya at patnubayan ako ng Ama sa aking araw-araw na pamumuhay. Maging ang aking mga magulang ay pagkalooban pa ng mahabang buhay at lakas at magkasa-kasama pa kami ng matagal.
          Iyon ang tanging hiling ko sa Diyos, ngayon at sa mga susunod pang mga kaarawan. 

Top 3 ng Awtput sa Filipino




SA REMATCH NA LANG ni Madelyn Roque

          Nasaksihan ng lahat ang labang Manny Pacquiao at Timothy Bradley Jr. noong linggo, Hunyo 10. Napanood ito sa live telecast sa buong mundo.
          Nasaksihan natin ang pagkapanalo ng Amerikano at ang pagkatalo ng ating pambansang kamao. Maraming umangal at nagtaka dahil sa pagkapanalo ni Bradley laban kay Manny. Maaaring ito raw ay dinaya o binayaran lamang ng kakampi ni Bradley ang mga husgado. Maging ang mga sikat na na artista, celebrities sa atin at maging sa ibang bansa ay nagulat.
          Para sa mamamayang Pilipino, si Pacquiao ang dapat na nanalo dahil sa kanya ang mga puntos at hindi kay Bradley na tumtumba na.
           Pero kahit ganoon, ang pambansang kamao pa rin ang kampyeon ng sambayanang Pilipino at ng buong mundo kahit ito ay natalo.
          Ngayon ay magkakaalaman kung sino talaga ang magaling dahil sa planong rematch na siguradong aabangan ng buong mundo. Magpapalakasan at patibayang muli ang ating bayani laban kay Bradley.
          Ang tanong sinong matitira at sinong magigiba?

PAALAM KAHAPON ni Romulo Ranin

          
          Bawat tao na nabubuhay sa mundo ay dumadaan sa pagkabata.
          Kapag ikaw ay isinilang at lumaki sa isang pamilya, mararanasan mo ang mga bagay na kamangha-mangha. Tulad na lang ng pag-aalaga saiyo ng iyong mga magulang, paglalaro ng iba't ibang klase ng laruan, paglalaro ng iba't ibang laro at paglalaro sa iba't ibang uri ng tao. 
          Ang lahat ng ito ay bahagi na lamang ng kahapon kapag ikaw ay lumaki na. Kailangan mong ibigay at isuko ang lahat ng masasayang bagay na iyan. Sa iyong paglaki ay iba na ang mundong iyong gagalawan at iba na iyong mga kakagawian. Minsan, masasabi mo na masarap maging bata dahil wala kang iniisip kundi maglibang, maglaro at magsaya lamang. Hindi katulad ng kapag ikaw ay malaki na. Kailangan mo nang gampanan ang iyong karakter bilang mamamayan at bilang isang tao.
          Masarap talagang maging bata pero hindi ka naman magiging bata habang-buhay. Kung kaya, kailangan nating sulitin at lasapin ang buhay-bata dahil kapag ikaw ay malaki na, hindi mo na ito pwedeng balikan pa. Pwede mo na lang itong balika sa iyong alaala. 

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

PARA SA TROPANG IV-URANUS

Nakita nyo naman. Hi-tech na ang labanan ngayon. Pa-post post na lang. Papindut pindot na lang.
Mga iho, ito ang bagong klasrum naten. Dito ninyo makikita ang mga da best na ginawa ninyo sa klase. Syempre, ipo-post ng inyong ser ang mga nagpapakitang-gilas sa klase ninyo para naman matuwa kayo. So, kung gusto ninyong makita ang pangalan nyo, gagawa kayo na matino, ha!

Seryoso! Ito ang blogsite natin at nais kong mag-iwan kayo ng post sa mga nakikita ninyong mga blogpost na ilalagay ko. Walang bastusan ok. Tamang kantiyawan ok lang pero wag daanin sa masamang salitaan.

Aasahan ko kayo.

Ang nagmamahal

Charo (haha! MMK)

Sumasainyo,

Ginoong Hernane B. Buella
Wag nang magkomento. hehe