Martes, Nobyembre 20, 2012

Pangatlong tanong sa Bugtungan...

Munting hayop na pangahas, aali-aligid sa ningas..






Medyo pahirap na ng pahirap ang tanong.. :D  ENJOY Lang.. :D


ADMIN: Abner Merenciano

Sunod na Bugtong.. Please Enjoy.. :D

Iisa ang pasukan, Tatlo ang labasan..


Paunahan nalang.. :D








ADMIN: Abner Merenciano

BUGTUNGAN TIME.. :D

Kung kelan mo pinatay, Saka pa humaba ang buhay..










Ang unang makasagot ay ang mananalo..
GAME NA!!..



ADMIN: Abner Merenciano

Huwebes, Oktubre 18, 2012

Babang Luksa ng Group-3


Pasensya po sa Late na pag post ng Video na ito..



ADMIN: Abner Merenciano

Martes, Oktubre 16, 2012

ANNOUNCEMENT..

UPDATE ko lang po. Ako po si Abner Merenciano ay nabigyan ng karapatan na maging ADMIN sa ating Blogspot. Ipinapaalala ko lang po na kahit ako po ang ADMIN ng Blogspot natin. Wala naman pong sanang bastusan na mangyayari. Maraming salamat po sa lahat lalo na kay sir Hernane na nagbigay sa akin ng karapatan na maging ADMIN ng ating Blogspot. Thank you and that's all.



ADMIN: Abner Merenciano

Huwebes, Agosto 9, 2012

Onlayn Aktiviti

1. Saan unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas?
2. Ano ang pangalan ng aso ni Jose Rizal? haha!!! seryoso, sagutan nyo ok.

Linggo, Agosto 5, 2012

Biyernes, Hulyo 20, 2012

GAWAING ONLINE ALL THE WAY FROM MOA.Hehe

PANUTO: MAGPOST NG ISA LAMANG NA PINAKAMAHABANG SALITA SA FILIPINO NA WALANG PANLAPI. TAKE NOTE: WALANG PANLAPI ISA LAMANG. MAG-ISIP-ISIP. READY ONE TWO THREE GO!!!!
(SARAP TALAGA SA MOA GUMALA. NAKAKAPAGOD. PERO DAMI WI-FI. ALLL FREE) AKO NA!!!! WITH MY FAMILY HERE

Huwebes, Hulyo 19, 2012

BAKIT AKO NILISAN? ni Honey Mae Sanchez


  Lahat naman tayo ay nakaranas ng pagkawala ng ating mahal sa buhay. Ang iba'y nilisan, may dahilan man o wala. Ang iba nama'y namatayan.
          Ang aking isasalaysay ay tungkol sa isang babaeng umibig, nagtiwala at sa huli ay nasaktan ng lubusan. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ako.
          Sa edad kong ito, labing anim na taong-gulang, marami na akong naging kasintahan. Sa lahat ng mga iyon, isang lalaki ang tuluyang bumihag sa aking isipan. Kahit na wala na kami ngayon ay sya pa rin ang itinitibok ng aking puso.
          Hunyo 23, araw ng Sabado, magkatext kami ng isang lalaki. Sa totoo lang, siya yung taong gusto ko. Sa minu-minuto naming pagtetext, nagkapalagayan kami ng loob. Niligawan niya ako at agad ko siyang sinagot. Sa totoo lang in, wala kaming pormal na ligawan dahil nga siya ay gusto ko rin naman.
          Sineryoso ko siya. Di ko nga lang alam kung ganun di siya sa akin. Alam ko sa sarili kong minahal ko sya ng higit pa sa aking buhay. 
          Hunyo 25, araw ng Lunes, nagkita kami sa eskwelahan. Sinabi niya sa akin na hindi niya daw ako niloloko at seryoso daw siya sa akin.
          Masaya ako dahil nag-aalala siya para sa akin. Pero, isang araw ay may gumimbal sa aking masayang mundo. 
          Hunyo 29, araw ng Biyernes, bigla niya akong tinext. At di ako makapaniwala sa sinabi niya. Makikipaghiwalay siya sa akin sa kadahilanang lagi raw akong sumasama sa isang lalaki. Sa totoo lang, natatakot ako na baka tiluyan siyang mawala sa akin. Sabi niya na pag nagbago na ako, handa na daw ulit siyang tanggapin ako. Dahil sa mahal ko siya, pinalaya ko siya at handa akong magbago para sa kanya.
        Isang araw ay tinext niya muli ako. Muli akong naging masaya dahil nagtext siya. Ngunit pagbukas ko'y isang nakakagimbal na mensahe ang aking natangggap. Puro sumbat ang nabasa ko. Puro mga kasinungalingan ang mga iyon. Sinabi niya na bukod sa kanya ay may iba pa daw ako. Nainis ako, umiyak dahil naniwala siya sa sinabi ng iba. Di niya ako pinagkatiwalaan. Di niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Hindi niya alam ang tunay bna pangyayari.
          Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay madalang na kami mag-usap. Mahal ko siya pero kailangan ko na talaga siyang pakawalan. Makakalimutan ko rin siya at makakawala rin ako sa sakit na nararamdaman ko.

BAKIT KAYA? Ni Joseph delos Santos



                May mga bagay na sadyang di natin inaasahang mangyari sa ating buhay. Bagamat lahat ay ating ginagawa para makamit ang bawat kaganapan ng isang indibidwal. Sa buhay natin, ating taglay ang damdamin ng kalungkutan. Bakit?
                Minsan ay darating sa ating buhay ang masakit na karanasan. Karanasang tatatak sa ating isipan at sadyang hindi makakalimutan.
                Sobrang sakit na iwan n gating minamahal sa buhay. Minsan ay nakakagawa ka ng mga bagay na hindi magaganda. Kapag iniwan ka ng minamahal mo, may mga pagkakataon na sinisisi mo ang iyong sarili.
                Bata pa ako ng iwan ng aking mga magulang. Iniwan nila ako sa piling ng aking lola. Bata pa man ako noon ay ramdam ko na ang dalamhati at kalungkutan. Ito ay dahil sa mahal ko sila. Nang mga oras na iyon ay hindi ko inisip na nag-iisa ako. Dahil naniniwala ako na babalik sila at muli nila akong aalagaan. Ngayong malaki na ako, minsan ay naiiisip ko kug bakit kaya nagagawa ng mga magulang ang iwan ang kanilang anak na dapat ay ituring nilang kayamanang di matutumbasan.
                Napakadilim sa kapaligiran ang iwan ng minamahal sa buhay. Halos lahat ng katanungan kung bakit ka nila iniwan ay tila hindi mo masagot. Pakiramdam mo ay nag-iisa ka. Wala kang karamay na kaht bata ka pa ay maaari mo na itong maramdaman.
                Subalit iniwan man ako ng aking mga magulang ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Pag-asa na nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Dahil alam ko na ang problemang iyon ay isang pagsubok lamang na magbibigay sa akin ng karanasan mula sa ating minamahal na panginoon. Sa mga panahon na iyon ay hindi ko nakalimutan ang magdasal. Kaya ngayong buo na muli ang aking pamilya.
                Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang katanungan ko sa aking sarili. Bakit kaya? Bakit kaya minsan ay iniiwan tayo ng mga mhalaga sa atin. Ito ba talaga ay dapat tahakin ng bawat tao na nabubuhay sa mundo? Ito ba ay dapat na maranasan natin? Dapat ba nating asahan ito habang bata pa tayo?
                Ito ay natural. Natural na dapat na nating tanggapin na baling araw ay iwan tayo ng mga taong mahahalaga sa atin at darating ang araw na tayo ay mang-iiwan din.
                Bawat tao ay magpapaalam sa mundong ibabaw?

Awtput 1 Top 5







Miyerkules, Hulyo 18, 2012

GAWAING ONLAYN

1. SINO SI HUSENG BATUTE?
2. SINO SI HUSENG SISIW?

ISULAT ANG SAGOT SA KOMENTO AT IPOST. KUNG MAY NAGPOST NA NG KATULAD NA SAGOT, MAGKOMENTO NA LANG NG "SAYANG" O KUNG ANUMANG KOMENTO. HEHE

Martes, Hulyo 17, 2012

PANTAY-PANTAY NA TINGIN MERON PA BA? ni Honey Mae Sanchez

Ang tao dito sa mundo 
ay nagkakaiba ng estado
mayaman at mahirap
iyan ang laganap


Pantay ba ang tingin sa kanila?
o sadya lang talagang walang pakialam ang iba
dahil ang mundong ito ay puno ng paghuhusga
at puro pangdudusta


Magkaiba ang katayuan sa buhay
ang isa ay madumi ang kamay
puro trabaho para lang di mamatay
magtagumpay lang sa buhay


Maginhawa ang buhay ng isa
lahat ng bagay nakukuha na lang basta
marami ng pera sa kanyang bulsa
di man mamahagi sa iba


Pagkakapantay-pantay, ito ang tanging hiling
mga mahihirap sana'y makaahon din
tulungan ng iba para magtagumpay
ang lahat ay guminhawa ang buhay

Lunes, Hulyo 16, 2012

PAREHAS LANG NAMAN ni Jestoni Bontoyan

WALANG MAHIRAP WALANG MAYAMAN
PAREHAS LANG TAYONG MAY KARAPATAN
IISA LANG ANG ATING PINAGMULAN
KAYA HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN

BAKIT ANG IBA'Y MINAMALIIT ANG MAHIHIRAP
MERON DIN NAMAN SILANG MGA PANGARAP
KAHIT YUNG IBA AY HINDI NAG-AARAL
PERO LAHAT SILA AY MAGAGANDA ANG ASAL


LAHAT NAMAN TAYO'Y GINAGAWA ANG TAMA
PERO SILA'Y NAGSASABI NG MASASAKIT NA SALITA
KAHIT GANYAN SILA'Y MERON DING LAYUNIN
KAYA ANG MAHIHIRAP WAG NATING ABUSUHIN

LAHAT NAMAN TAYO'Y GINAWA NG PANGINOON
KAYA KAHIT MAHIRAP MERON DING PAGKAKATAON
ANG IPAGPATULOY ANG ATING AMBISYON
UPANG SA KAHIRAPAN MERON KANG SOLUSYON.

MAYAMAN NA WALANG LANGIT MAHIRAP NG LUMAPIT ni Reniel Manalo

Mayaman?
na walang pakundangan!
Mga mamamayan ng sariling bayan
Mahirap na naghihirap
Mayaman na yumayaman

Sa halip na huwaran
ng mga mamamayan
Naghaharing kasamaan
ang pilit na isinasalansan

Mahirap ng lumapit
sa mayamang walang langit
Lalo na ang taong gipit 
Maging sa patalim ay kumakapit

Lahat ng tao'y pantay-pantay
Kaya't tayo'y magpugay
sa Diyos na lumikha
ng mayaman o dukha

ANG TANGING HILING ni Angel Pauline Tanedo

          Tuwing sumasapit ang araw na iyon, ako ay nagagalak at nasasabik. Sa pagdaan ng mga taon, nananatili pa rin ang aking tanging hiling.
          Sinasabi nila noong bata ako na kapag kaarawan daw ng isang bata, lahat ng kanyang hilingin ay matutupad. Dati ay mga materyal na bagay ang lagi kong nais. Subalit dumadaan ang panahon at lumilipas ang mga araw, nadadagdagan ang aking kaalaman na hindi pala mahalaga ang mga bagay na ito.
          Ngayong ganap na akong malaki at sapat na ang kaalaman, napagtanto ko na mayroon pala akong isang hiling. Tuwing sasapit ang aking kaarawan ay hindi ako nagpapahanda ng marami sapagkat dagdag gastos lamang ito.
          Sa halip, sama-sama na lang kaming nagsasalu-salo at ipinapanalangin ako na may kaarawan. Ako naman sa aking sarili ay may natatanging hiling na sana bigyan pa ako ng mahabang buhay at lakas upang matulungan ko pa ang aking pamilya at patnubayan ako ng Ama sa aking araw-araw na pamumuhay. Maging ang aking mga magulang ay pagkalooban pa ng mahabang buhay at lakas at magkasa-kasama pa kami ng matagal.
          Iyon ang tanging hiling ko sa Diyos, ngayon at sa mga susunod pang mga kaarawan. 

Top 3 ng Awtput sa Filipino